Kristiyano:Mahal ka ni Hesus, at namatay siya para sa iyo!
Muslim:Bakit siya mamatay para sa akin? Ano ang ginawa ko sa nakalipas na dalawang libo at dalawampung taon, na siyang naging dahilan para mamatay siya para sa akin? Hindi ba sinasabi ng Diyos sa Jeremias 31:30 “Nguni't bawa't isa ay mamamatay ng dahil sa kaniyang sariling kasamaan”.
Kristiyano:Hindi mo makuha ito! Lahat tayo ay nagmana sa kasalanan ni Adan nang kumain siya mula sa Ipinagbabawal na Puno.
Muslim:Bakit ako magbabayad para sa kasalanan ni Adan? Hindi ba sinasabi ng Diyos sa Ezekiel 18:20 “ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak”
Kristiyano:namana mo ang kasalanan ng iyong ama na si Adan at lilitisin ka ng Diyos para dito.
Muslim:Lilitisin lamang ako ng Diyos para sa aking mga gawa tulad ng sinasabi ng iyong aklat sa Roma 2:5-6 “....sa kaarawan ng kapootan at pagpapahayag ng tapat na paghuhukom ng Dios; Na siya ang magbibigay sa bawa't tao ayon sa kaniyang mga gawa”.
Kristiyano:Subukan mong unawain. Kailangan mong maniwala sa sakripisyo ng Panginoon upang magkaroon ka ng kaligtasan sa Araw ng Paghuhukom.
Muslim:Bakit ang Diyos na lumikha sa akin ay kailangang pang magsakripisyo para sa aking kaligtasan kung Siya naman ang maglilitis sa akin? Ipinaliwanag ni Hesus sa Mateo 12:37 “Sapagka't sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.”
Kristiyano:Kung hindi mo tatanggapin ang kaloob ni , ikaw ay papasok sa Impiyerno.
Muslim:bakit ako papasok sa impiyerno kung hindi ako nagkasala? Ipinahayag ng Dios sa Mga Taga Roma 2:2 “At nalalaman natin na ang hatol ng Dios ay ayon sa katotohanan laban sa kanila na mga nagsisigawa ng gayong mga bagay.”
Kristiyano:Namatay ang Diyos, sapagkat mahal ka niya at nais niyang patawarin ka.
Muslim: Tiyak na mamatay ang tao, ngunit ang Diyos ay hindi namamatay at na nakasulat sa iyong aklat, 1 Timoteo 6:16 “Na siya lamang ang walang kamatayan”.
Kristiyano:Hindi ang Ama ang namatay. Ito ay ang nagkatawang taong si Hesus na namatay para sa iyo.
Muslim:Ngunit sinabi ni Hesus na siya ay isang tao sa Juan 8:40 “Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios.” At inutusan tayo ng Diyos na huwag umasa sa mga mortal na tao sa Isaias 2:22 “Layuan ninyo ang tao, na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong: sapagka't sa ano pahahalagahan siya?”
Kristiyano:Alam mo ba kung paano ako makukumbinsi sa pamamagitan ng pagbabanggit ng mga talatang ito mula sa Bibliya?
Muslim:Nasusulat ito sa Deuteronomio 4:2 “Huwag ninyong daragdagan ni babawasan ang salita na aking iniuutos sa inyo, upang inyong maingatan ang mga utos ng Panginoon ninyong Dios na aking iniuutos sa inyo.” Bukod dito, ipinangaral ni Hesus ang lahat sa publiko at hindi itinago nang lihim ang kanyang mga turo tulad ng sa Juan 18:20 “Sinagot siya ni Hesus, Ako'y hayag na nagsalita sa sanglibutan; ako'y laging nagtuturo sa mga sinagoga, at sa templo, na siyang pinagkakatipunan ng lahat ng mga Judio; at wala akong sinalita sa lihim.”
Hindikailanman ipinangaral ni Hesus na siya ay ipinadala para sa Pagpapako sa Krus at Kaligtasan!
Hindikailanman inangkin ni Hesus na siya ay ipinadala para sa pinanang kasalanan!
Hindikailanman tinawag ni Hesus ang kanyang sarili na isang diyos na nagkatawang-tao!
Hindikailanman inaangkin ni Hesus na ang Banal na Espiritu ay isang diyos!
Hindikailanman ipinangaral ni Hesus na ang Diyos ay tatlong persona, ni siya ang pangalawang persona. Kaya ... mula saan mo nakuha ng iyong paniniwala?
Kristiyano:nakumbinsi mo ako, Ngayon ako ay interesado sa pag-aaral ng Islam, kaya paano makakapag-aral nito?
Muslim:Ang pag-aaral ng Islam ay naging madali sa Internet, ngunit mula sa mapagkakatiwalaang mga website tulad ng www.islamic-invitation.com